I got an email an hour ago, it’s a poem written by Andrew, he is my eldest sister’s son who is currently working overseas (mabuhay ang mga OFW). The poem talks about mishaps in 2009 and the challenges of 2010. And I want to share it with you thru my blog in time with the 2010 countdown. Wishing you all a meaningful 2010 and the years ahead. God bless us all.
NUEBE: ANG KWENTO NG PAGTATAPOS
(Ngitngit, Galit, Inggit at ang Biyaheng 2010)
ni Andrew Faye Semilla
Tatlong daan at animnapu’t limang araw ang nagdaan,
Karanasang sukdulan sa kaibuturan ang aming naramdaman,
Mga pangyayaring kailanman ay hinding-hindi malilimutan,
At sa tingin ko ay wala sinuman ang nais itong alalahanin pa at balikan.
Nuwebe ang taon na kung kelan nangyari ang mga paghahamon,
Mga sakuna, trahedya, kamatayan, dagok ang siyang sa atin ay lumamon,
Kahirapang nagpalugmok pa sa madlang tanging dasal ngayon sa Poon
Na sana sa taong hinaharap ay hindi na muling maranasan ang ganitong panahon.
Ang taong ito ay nag-iwan ng mala-delubyong pangyayari,
Nagsimula noong Enero’ng problemang dulot at dala nina Hayden Kho at Halili,
Pumagitna sa taon ang paghagupit ng makasaysayang Ondoy, Pepeng at mga buhawi,
At nagtapos sahumahambalos na pagputok ng pinakaperpektong bulkang Mayon na kumakandili.
Simulan natin ang kwento sa pagpanaw ng mga kilala at karespe-respeto,
Nasilayan natin ang pamamaalam, huling sayaw, kanta at huling mga El Bimbo,
Tulad nina Michael Jackson, Patrick Swayze at ang sarili nating si Kikong pilipinong-pilipino,
Talaga namang ang luksa ay umabot sa bawat sulok ng mundong ito.
Sa larangan ng pulitika, mga Pilipino’y muling nasubukan,
Mga pangyayaring sanhi ng dalamhati’t ngitngit sa muling kasaysayan,
Nang namayapa si Cory, ang unang ina ng perlas ng silanganan,
At ang karumal-dumal na pagpaslang sa Maguindanao nang pamilya Ampatuan.
Ngayong taon din natin nakita kung paano gumalaw ang pulitika sa bayan.
Dahil sa ang eleksyon ay ilang buwan na lamang na masisilayan.
Kaya naman sunod-sunod na ang mga bakbakan at patayan,
Daig pa ang World War II sa dala nitong takot sa madlang-bayan.
Napag-usapan na rin ang eleksyong kaabang-abang,
Nagsimula na rin naglipana ang mga buktot sa kapangyarihan at makabagong aswang,
Mga paru-parong ligaw at mga lintang pilit na kumakapit sa punyal ng kayamanan
At mantakin nyo’y pati ngani’y pangulo’y muling tatakbo dahil sa siba at katakawan.
Trahedya, sakuna,pinsala at delubyo,
Paglubog ng mga barko at pagbagsak ng mga eroplano
Pagkawasak ng bansa dahil sa dulot ng mga baha’t bagyo,
Ay iilan lamang sa bakas na iiwan ng taong ito sa bawat Pilipino,
Ang 2009 ay taon, na ang mga kababayan natin ay nasubukan ang angking kabayanihan
Sa kabila ng dalamhati’t kadilima’y, si Juan dela Cruz ay pilit na tumayo at lumaban,
Walang nagawa ang mga bagyo sa lakas ng pwersa ng mamamayan,
Dahil sa kapit-bisig, ang lampas sa tao na baha ay talaga namang nalampasan.
Talaga nga namang ang nuwebeng ito ay walang sinuman ang makakalimot.
Sa hapdi, pasakit, kirot at rubdob sa damdami’y talaga namang sumusuot.
Mga pangyayaring nais nang mawala at pilit na ibabaon sa limot,
Dahil sa nangangarap na sana ang 2010 ay hindi na tayo muling sisimangot.
Tanging dasal ko sa pag-alis ng nuwebe sa atin,
Ay madala nito ang lahat ng dusa at pasakit at tuluyan ng kalimutin,
Na sana sa pagpasok ng ika-sampu sa buhay ng bawat isa sa atin,
Ay mayroon tayong magandang umagang sisilalayan at mamahalin.
Sana sa pagtatapos ng unang dekada ng milenyong ito,
Matuto na sana tayo sa idinulot ng mga kasaysayang tulad ng ganito,
Na ang tanging naging pahiwatig nito ay magkaisa at mahalin ang ating mundo
Pahalagahan natin ang biyayang handog ng Ama nating sa ati’y nagmamahal, tapat at totoo.
Harapin natin ang DYIS nang may galak,
Maligayang Pasko at masaganang bagong taon sa lahat!










I’ll start with the first stop @ Mt. Precipice, Nazareth – according to Catholic tradition, the site where Jesus leaped from the hill after having been chased from the synagogue. At the top of the cliff, you can see the fantastic views of the Yizrael valley and the round-shaped Mount Tabor in the background. 

I wish I could have walked also (like Jesus did) over the waters of Galillee – renowned for being the beautiful waterfront before where Jesus performed His miracles (the story of Jesus calming the stormy waters and the infamous feeding of the multitude), it has also been acknowledged in the New Testament as a lush and bountiful giver of life; a rich source of fish stock for the Israelites. Standing there I could just imagine how our Lord Jesus first proclaimed it to His disciples in Biblical times — and then a big chill went down my back, nakakakilabot talaga.











dalawang oras at kalahati na paglalakad sa tubig, bato, buhangin, abo – bago namin marating ang mt. pinatubo. sumasakit na ang likod ko, ang binti at paa sa sobrang tagal ng paglalakad, at halos ayoko ng ituloy sa sobrang pagkainip at pagod. naaliw lang talaga ako sa kasama naming guide, kasi nasasagot nya ang lahat ng tanong ko, kahit wala na itong kinalaman sa mt. pinatubo (kakulet ng batangmangyan eh).
nakisama naman ang panahon kasi hindi naman masyadong sumikat ang araw noon. kaya sinamantala ko na rin ang paliligo sa bawat tubig na madaanan YAHOO.
mag-aalas onse na ng marating namin ang paanan ng bundok. TARAGIS! taragis ang nasabi ko sa guide, kasi paanan pa lang pala ‘yon. May aakyatin pa pala kami para marating ng tuluyan ang bunganga ng bulkan. Sa pananabik na malaman kung anong meron sa itaas, nagmadali na ang grupo sa pag-akyat sa makitid at madamong daan pakyat ng bundok.
mga kalahating oras din ang aming inakyat – TARAGIS ULIT. ito ang tumambad sa mga mata ng batangmangyan..
wala akong nasabi kundi - OMG - haha. nawala ang pagod, sakit ng paa, gutom – sa pagkamangha sa aking nakita. putek, hindi ko pa pala narating ang crater ng bulkan. kailangan pang bumaba para maramdaman ang lamig ng tubig sa bunganga ng bulkan. mga sampung minuto pa na lakad pababa at narating namin ang maladalampasigan na bunganga ng bulkan.
syempre, walang sinayang na oras ang batangmangyan, ligo agad, pero teka, sobrang lalim, wala akong makapa na lupa, haha, floating ang katapat, buti na lang marunong ako lumutang.
isang oras din ang inilagi namin sa bunganga ng bulkan, inilatag namin ang dalang tent, nagpahinga, at iginayak ang dala-dalang mga pagkain at sandaling nagsalu-salo. syempre may adobo, sardinas, tinapay, kanin, sisig. at nagulat ang lahat – ang dala ng batangmangyan ay dalawang lata ng SPAM LIGHT 50% less salt – hahaha. taragis. matapos kumain at magpahinga, ay kinailangan na namin lisanin ang bunganga ng bulkan. kailangan namin marating ang sta. juliana bago mag ikalima ng hapon bago magsara ang gate ng kampo ng balikatan.
masasabi ko na sa kabila ng malagim na pagsabog ay isa na ngayong paraiso ang tuktok ng mt. pinatubo. ang pinatubo adventure ng batangmangyan ay isa sa pinakanatatanging karanasan na mananatiling buhay sa kanyang ala-ala at isang patunay lamang ito ng katatagan, lakas at tibay ng loob, tiyaga, at hindi pagsuko sa anumang hirap at pagod marating lang ang tuktok ng tagumpay.







kawawang mangyan, wala ng jessie, wala din andy! pabalik na kami sa aming hotel-tambayan ng mapansin ko sa isang station ng train ang napakalaking letrato ni andy. ayun si andy, agad akong nagpakuha ng letrato habang hinihintay ang sunod na byahe ng train. kahit man lang sa picture ay nahalikan ko si andy (baliw nga ang mangyan eh).
wala naman talagang “coffee prince road”, ako lang ang nagbansag sa napakahabang kalye na aming nilakad habang hinahanap ang coffee prince, kaya sigurado akong hindi nyo mahahanap ang coffee prince road sa kahit-anong mapa. pero kahit wala pa s’ya sa mapa, memorable sa akin ang coffee prince road, dahil dyan nakilala ko ang isang tao na naging malapit sa puso ng batang mangyan-hahaha! — masaya at makabuluhan ang korean adventure ng batang mangyan. o pa’no na, byahe na, hanapin na ang coffee prince road sa korea! tara!
ito ang bag na ginamit ko kahapon – mahilig ako sa black. aside from my clothes (
‘di ko man nababasa madalas, pero palagi ko kasama sa byahe! marami nang narating ‘to, haha! 
i follow rules haha! laundry bags– courtesy of linden suites (inuwi ko syempre, libre!) 

wala na! travel light lang ako palagi. maliban sa ayaw ko magbuhat ng mabibigat, limited din kasi ang baggage allowance sa plane, 7 kilos lang kung carry-on, ayaw ko naman check-in kasi sayang naman ang bag ko. tsaka matagal pa maghintay. at higit sa lahat, ayoko ko rin naman mag-uwi ng sangdamukal na laundry, mahirap maglaba! kaya heto, umabot lang sa 4.7 kilos ang lahat ng dala ko for 2 days. ayos na ‘di ba? o san ka pa, byahe na! pwede ko pahiram bag ko, huwag lang kasama laman, walang problema basta kunin nyo lang dito sa bahay, anytime!
‘Di man gaanong maputi ang buhangin sa beach kung ikukumpara sa boracay, pero naiiba din naman ang taglay na ganda ng Puerto Galera – malinis na tubig-dagat, sangdamukal na makukulay na ibat-ibang klase ng isda, mga buhay na corals – ilan lamang ito sa mga patunay na may natatanging ganda ang isla. Tara balikan natin ang White Beach at ang isla ng La Laguna.
