Unang Byahe

Syempre pa, Mindoro ang unang byahe.   Nakakalungkot isipin na sa dinami-dami ko ng napuntahang lugar, minsan din akong naging dayuhan sa sariling probinsya.  16 years ako namalagi sa Mindoro, pero di ko pa naikot ang isla ng Mindoro.  Maliban sa mahirap na buhay noon, kinailangan ko kasi pumunta sa Maynila para magpatuloy sa kolehiyo.

Ano nga bang meron ang Mindoro (maliban sa mga mangyan).   Bata pa lang ako naririnig ko na ang Puerto Galera, nasa Mindoro pala ang isa sa pinakamagandang tourist destinations sa Pilipinas.   Nasa college na ako noon nang nagkaroon ng pagkakataon na mapuntahan ang Puerto Galera.    puerto-galera‘Di man gaanong maputi ang buhangin sa beach kung ikukumpara sa boracay, pero naiiba din naman ang taglay na ganda ng Puerto Galera – malinis na tubig-dagat, sangdamukal na makukulay na ibat-ibang klase ng isda, mga buhay na corals – ilan lamang ito sa mga patunay na may natatanging ganda ang isla.    Tara balikan natin ang White Beach at ang isla ng La Laguna.

Marami ng pagbabago at pag-unlad ang Mindoro simula noong umalis ako.  May Jollibee na din, lately kasi naging indikasyon na ng progress ang Jollibee.    Sa ngayon, kung gusto mong pumunta sa Boracay sa mas murang gastos, may access na din sa Mindoro (goodbye Puerto Galera, welcome Boracay).    Simula nang nagkaroon ng access sa Mindoro patungong Panay Island, libu-libong turista at mga negosyante ang dumadagsa sa Mindoro araw-araw.  Tuwing umuuwi ako, mahigit sa 20 malalaking bus na puno ng pasahero ang nakakasabay ko sa pier ng Batangas, lahat ay isasakay sa barko, itatawid sa Mindoro, at tutuloy lahat sa Aklan at Iloilo.   Nakakatuwang isipin na may malaking naitutulong ang isla ng Mindoro sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya ng mga kalapit probinsya sa Visayas.    Tara na, punta na sa Boracay, pero daan sa Mindoro (pwedeng-pwede stop-over sa bahay namin, libre! san ka pa?)

Masarap manirahan sa probinsya.  Simpleng buhay, simpleng mga tao.  Hindi ka magmamadali, walang trapik, walang holdap, walang baha (wala din gimik sa gabi, sorry na lang sa mahilig gumimik).   Hindi kumplikado ang buhay.   Huwag natin iwanan tuluyan ang ating mga probinsya.   Saan man tayo ngayon – Maynila, ibang bansa man, huwag sana tayo makakalimot sa ating pinanggalingang bayan.   Hindi man tayo bumalik para manirahan muli, magbakasyon lang, ayos na.  Sigurado ako, maraming pagbabago.   Huwag sana tayong maging dayuhan sa ating sariling bayan.    Magbalik probinsya! Tara na!

“All roads lead to possibility.  Wherever the path takes you — enjoy it.”

About these ads

25 Responses to “Unang Byahe”

  1. wow! welcome to blogging industry batang mangyan hehe! dipako napupunta ng puerto galera!!

    nakakamiss nga ang probinsya ang tilaok ng manok sa umaga haha ang pagwawalis ng mga matatanda sa madaling araw bago pa sumikat ang araw at ang AM radio! hehe!

    *wag maging dayuhan sa sariling bayaN!-ASTIG!

    • salamat ng marami sa pagbabasa.

      tama ka, nakakamiss talaga ang buhay sa probinsya. ‘di ka pa nakapunta sa galera, eh di byahe na, magsama ka pa ng isang barangay at kahit buong nueva ecija, ‘di naman sa amin ang puerto galera, haha!

      kidding aside, welcome kayo anytime sa amin sa mindoro.

  2. welcome welcome…

    Viva Puerto Galera… napakababait ng tao jan, mga bangkero, tindera, masahista, mnga mayari ng hotels at pati sa tinuluyan naming bahay nung wala ng hotel na available… salamat sa kanila.

    sana makabalik ulit ako sa ikatlong pagkakataon.

  3. isang HEP HEP HURAY!!! para sayo pare koi! WELCOME sa mundo ng blogging. nakaka tuwa naman at “IN” ka na! ahehehe sulat lang ng sulat….

    SArap basahin ng blog mo, it reminds me of my adventures nung college sa pag bisita ko sa mga ibat ibang province kaso luzon pa lang. di pa ako napupunta sa gawing south.

    SArap tlga ng buhay probinsya, ung magigising ka sa tilaok ng manok, o sa ingay ng radyo. ang “potpot” na pandesal sawsaw sa kape, nagwawalis na kapit bahay ay amoy ng usok na galing sa sinusunog na tuyot na dahon.

    Sana isang araw makasama kami sa byahe mo.,…. RORO!!!!!

    ahehehe!! again, congrats sa bago mong bahay!

    “All roads lead to possibility. Wherever the path takes you — enjoy it.” – naks! i like this!!!!! sobrang ganda tol!!!!

    • nakaka-inspire naman! haha. salamat sa magagandang salita na iniwan dito.

      eh ang kinulte ba, ‘di mo namimiss? kinulte sa inyo, binatog sa amin, pero kahit ano pa’ng tawag, nakakamiss din ang mga pagkain sa probinsya.

      welcome tol sa byahe ko, basta sagot mo. haha. cheap lang naman sa RORO, hahaha, kayang-kaya ng canadian dollars mo. Tara na sa mindoro!

  4. kakamiss bumyahe pabalik…kakamiss ang mga nagtitinda ng mani..mais..panutsa..tinapay sa lata. kahit na makukulit sa pagaalok pero parang kasama na sa byahe pauwi ang ganong experience!

    kakamiss ang rambutan..lansones..mangga! ang mga nangungulit magbuhat ng bagahe…ang mga barker ng van..konduktor ng bus..driver ng tricycle….

    nasa pier pa lang ako ng batangas eh ramdam na ramdam ko na pauwi na ako ng mindoro!

    ganda ng kuha mo sa pier sandugo!

    • batangmangyan Says:

      kumusta naman sandugo! maraming salamat sa pagdaan.

      may nakalimutan ka pa — dalanghita na kung tawagin sa atin ay cinturis, di ko alam kung tama — ang malulutong na banana chips — ang mga bata sa pier na sumisigaw ng “hagis barya” na nag-uunahan sa pagsisid makuha lang ang baryang iyong inihagis —

      balik lang ng balik sa mindoro, sandugo!

  5. Dina Mejias Says:

    WOW, well said…BRAVO!!! can i speak in my own dialect? kung sa bisaya pa, NINDOT na pagkasulat ba!!! hahaha…makarelate ko kay just like you i am “probinsyana” by heart…many words that were written here reminds me of my own provnice!!! Indeed i felt nostalgic…hehehe

    Salamater sa pagshare sa imong blog, ug unta naa pay chance na makabasa sa mga sunod pa!!!

    Tara na…byahe na…may it be in luzon, visayas or mindanao…never forget our roots!!!

    • salamat sa napakagandang mensahe. tinuod dyud ka. haha.

      been to surigao several times na, sarap ng sariwang isda, kinilaw, alimango at syempre ang durian.

      wala ng gaganda pa sa sariling bayan. tara, suroy ta!

  6. korek ka dian! nasa ilalim na bahagi man ako ng mundo… maganda man sa kinaroroonan ko, aaminin kong lagi pa rin sa puso ko ang mga probinsiya ng pilipinas na napuntahan ko! unang una na siempre ang aking sariling probinsia – Pangasinan — kung saan naroon ang Hundred Isnlands, ang bagoong, bangus, the Manaoag Shrine(na kung saan ang lahat ng aking panalangin sa Our Lady of Manaoag ay nabiyayaan.. )…kaya next time na makadalaw kayo sa aking probinsia, huag kaligtaan na dumaan sa Manaoag Shrine at mag ukol ng panalangin na sana magkaroon na ng tunay na pagbabago at bansa!

    hala… biahe na kayo!

    • syempre pa iisa ang kilala ko na “kiwinoy” na taga pangasinan. hahaha. am glad that my blog has reached the land down under hahaha.

      oo naman, nakita ko na rin sa wakas ang hundred islands. kasama ko pa ang buong pamilya at pati ang alaga kong labrador na si leoj, sumakay kami sa bangka at nilibot ang mga malilit na isla, ibang ganda!

      at ‘di ko makakalimutan ang Manaoag, doon nanggaling ang prayer book ko na palagi kong kasama sa byahe. ayos, san ka pa!

  7. hehehehe bulls-eye!

    dalawang t-shirts meron ako na may puerto galera t-shirt.

    maraming beses na rin ako nakalibre sa mga hotels diyan kasi marami ako friends diyan…

    and, masarap magsnorkling sa puerto galera…

    ang parish priest sa puerto galera ay si fr. jose san juan, na itinuturing kong isang tatay ko…a very good friend of mine…

  8. gusto ko na ngang pumunta ulit sa inyo. kasi lahat libre. mula pamasahe, tulugan, pagkain…. wow!!! ang sugpo, alimango. karaoke na non-stop. hay! sarap balikan ng nakaraan. pero, tanda ko parang wala pa yung jollibee ng magpunta ako jan. naku, kailangang makabalik ako jan, hahalikan ko si jollibee na batang mangyan. hehehe.

    sa birthday mo, balik tayo ng mindoro.

    • hahaha, walang hiya! ang karaokeng hanggang umaga. haha. oo balik tayo, matagal na kaya ako nag-aaya. sige plano tayo uwi sa amin. next week may official trip ako sa mindoro. malamang sa bahay kami mag-stay. ayos!

  9. Great to find a fellow Mindoreño. And cool looking blog, too. Congratulations. “,)

  10. wow! larawan pa lang mangha na ako… kakalungkot kasi sa bundok ako lumaki. walang dagat. pag-uwi ko ng ‘pinas! MINDORO HERE I COME!!! hehe^^ kakatakot… baka malunod ako, pero kung sa tuwa at galak sa kagandahan ng kalikasan… ayos!

  11. >>>>tnx kasi nakakuha ako ng ass di2 sa pic n2 eh ang ganda pa<<<<
    <<<<>>>>>

  12. nice pictures bro.

  13. gnda nmn jan

  14. jeanette Says:

    Heloo po batang mangyan, may maisa-suggest po ba kayong murang hotel na pwede namin puntahan, kasama ko lang ang family ko? (hubby and kids)… Salamat po

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: