Coffee Prince Road

 

andy

andy

jessie

jessie

‘di naman ako mahilig manood ng tv – maliban sa NGC at Starsports, at lalong hindi rin mahilig manood ng telenobela. pero bakit ba sikat na sikat ang mga koreanobela sa pilipinas? madalas ko madinig noon ang“coffee prince” at “full house”. kaya pala, pretty naman kasi ‘yong bida na si andy, pero mas trip ko si jessie ng full house, nagkalat ang picture nya sa bahay namin, paborito kasi sya ng pamangkin ko. given the chance to visit korea, i’ll find jessie – hahaha.

demilitarized zone

demilitarized zone

 bingo! natupad ang dream ng batang mangyan, isang araw, nagising na lang ako na naglalakad sa isang demilitarized zone (DMZ) – ito pala ang common grounds ng south at north korea – lahat ng dialogues/ negotiations at kung anu-ano pang mga bagay-bagay between the two nations, are held here, napakaganda ng place. medyo malayo man ito sa seoul, pero pinilit kong marating kasi nandito ang highlights ng history ng dalawang bansa – hindi ko na ikukwento dito, i-google n’yo na lang, hindi kasi ako nakinig sa tourist guide.

1988 Seoul Olympic

 marami pang tourist spots sa seoul at outside seoul. malinis sa seoul, kahit hindi gaanong friendly ang mga tao – (cultural thing, igalang natin)  pero disiplinado.  masasarap ang pagkain, kakaibang mga street foods – hindi ko ’yon pinalampas. syempre ginala ko ang olympic village, theme parks, ibat-ibang museums, art gallery na pwedeng kausapin ang mga paintings, ito ang pinakauna sa buong mundo na interactive ang mga displays. naitanong ko pa nga kay monalisa kung nakakaintindi s’ya ng tagalog, at ang sagot n’ya, “i am sorry parang si PGMA lang sumagot,  i don’t understand” hahays. astig.

seoul tower

hindi ko din pinalampas ang seoul tower, spring noon kaya nakakita din sa wakas (on my way up to seoul tower) ng mga cherry blossoms na sa magazines ko lang nakikita. binisita din ng mangyan ang typical korean villages na taragis ang pagkasosyal kung ikukumpara sa mga mangyan villages sa mindoro huhuhu.  syempre maraming palasyo ang napuntahan ko, kabilinbilinan kasi ng ate ko na bisitahin ko daw si jumong at si jang geum, pero wala sila pareho, ‘tsaka di ko sila kilala. pasensya na ate ko, ang goal ko lang naman talaga eh makita si jessie at wala ng iba. sa mga night market, puro pictures ni andy ang nakikita ko, wala ni isang picture ni jessie. nalungkot naman ako kasi parang hindi ko masisilayan si jessie baliw ang batangmangyan kay jessie. 

pinsan daw s'ya ni jumong

pinsan daw s'ya ni jumong

 matapos ang pamamasyal, nagtanong–tanong ako sa mga kababayan doon, malayo daw pala ang “full house”, tatawid pa ng dagat, hahays –meaning hindi ko talaga masisilayan si jessie. mas accessible daw ang “coffee prince”, malapit lang daw sa lugar na aking tinatambayan. so, ayun naman pala, may andy pa to the rescue haha.

coffee prince logo

isang araw bago umuwi ng maynila, natapos na ang tour at wala ng magawa, nagpasya na lang ako na hanapin ang coffee prince, instead. inaya ko ang ilang kasamahan na magkape sa coffee prince. ilang train stations din bago namin narating ang coffee prince road.  maraming beses din kaming nagtanong sa mga koreano pero parang napakaordinaryo para sa kanila ang “coffee prince”. mahaba rin ang nilakad namin para marating ang coffee shop.

The Coffee Prince

The Coffee Prince

naknang! isang maliit at napaka-simpleng kapehan lang pala ang coffee prince. hahaha. kaagad umorder ng kape ang batang mangyan (mas masarap pa syempre ang sariling atin na kapeng barako ng batangas), tapos walang hinto na pictorial sa loob at labas ng coffee shop. nagtitinginan sa amin ang mga koreanong halos wala ng mata sa pagkasingkit. tumambay at namahinga sa pagkapagod sa kakalakad, pero wala rin pala si andy. andykawawang mangyan, wala ng jessie, wala din andy! pabalik na kami sa aming hotel-tambayan ng mapansin ko sa isang station ng train ang napakalaking letrato ni andy. ayun si andy, agad akong nagpakuha ng letrato habang hinihintay ang sunod na byahe ng train. kahit man lang sa picture ay nahalikan ko si andy (baliw nga ang mangyan eh).

coffee prince roadwala naman talagang “coffee prince road”, ako lang ang nagbansag sa napakahabang kalye na aming nilakad habang hinahanap ang coffee prince, kaya sigurado akong hindi nyo mahahanap ang coffee prince road sa kahit-anong mapa. pero kahit wala pa s’ya sa mapa, memorable sa akin ang coffee prince road, dahil dyan nakilala ko ang isang tao na naging malapit sa puso ng batang mangyan-hahaha! — masaya at makabuluhan ang korean adventure ng batang mangyan.  o pa’no na, byahe na, hanapin na ang coffee prince road sa korea! tara!

Anyeonghaseyo”

90 Responses to “Coffee Prince Road”

  1. yan ang ginagawa ko sa bawat lugar na pinupuntahan ko..ang kainin ang local na pagkain!

    ang ganda no..parang ang linis linis sobra…feeling ko pag nandyan ako eh litaw na litaw ang kulay mangyan ko…para lang akong busabos,hihihi

    • oo litaw na litaw ang kulay ng batangmangyan haha. busabos ka dyan, wag ganun, dapat ipagmalaki natin ang pagiging kulay kayumanggi. wala silang ganun. haha. kelangan pa nila gumamit ng tanning lotion at magbilad sa araw para lang makamit ang kulay na meron tayo! hahaha.

      salamat sandugo, at hindi mo kinakalimutan ang batangmangyan. fan na ba kita?? hahays.

  2. wow! ang ganda naman lalo na ung kwento sa demilitarized zone, dito ko lang nalaman na lahat pala ng usapan ng north at south ay dyaan ginagawa. astiigg naman sarap naman makapunta sa mga ganyan lugar napaka historic din! tapos plus pa yung mga artista, ako nagustuhan ko ung ENDLESS LOVE dati ung unang version., duon nag simula ang kasikatan ng mga koreanovela sa atin sa pilipinas! swerte naman ng batang mangyan!! nakakainspire naman magbyahe! at sa pagbyahe ayun me mga nagiging mas malapit pa sa puso! awwww!

    nice post!! keep on posting good travel stories like this!

    • tol, elementary pa lang, mahilig na ako sa history, kaya siguro ganito ako ngayon. hahaha.

      sa DMZ ko lang din naintindihan lahat ang naiibang kwento ng KOREA. nakakalungkot nga lang kasi dalawang magkalapit na bansa, iisang lahi, ngunit magkaiba ang mundo – hahays!

      salamat sa pagbisita. marami pa akong kwento, medyo busy nga lang sa work. pero tuloy tuloy na ‘to, hahaha. abangan mo na lang pag may bago akong kwento. basta balik lang ng balik dito. pasyal din ako sa bonistation mo.

  3. huwaw naman!!

    alam mo bang napanood ko ang
    endless love at fullhouse ng dahil kay jenny / jessie!
    ang ganda ganda nya kasi. ang amo amo ng mukha.

    coffee prince din. bumili pa mama ko ng peyk dvd ng cofee prince at pinanood namin. heheh

    ang galing ah nasa korea ka na!
    napakabigtime mo na batnagmangyan!

    7 thumbs up para sa iyong matagumpay na byahe kahit di mo nasilayan ng personal ang dalawang yan..

    at ang massive picture ni andy.. tinititigan ko pa rin ahahha

    • crush na crush ko si jessie kahit hindi ko alam ang istorya ng fullhouse. hahaha.

      salamat, napakasipag mong magcomment, haha. crush mo din ba si andy? haha. well una-unahan lang yan.

      abangan mo pa mga kwento ko, marami pa akong byahe! byahe ka na din kasi, masarap gumala, masarap maging dayuhan, huwag lang sa sariling bayan! okidoks!

      • huwwaw…

        ill keep that in mind sir mangyan..

        teka..

        oo mahal ko sa andy hahahaha

        tapos ang kyut kyut nya pa tapos

        ang ganda pa nya.. aheheh

        teka …

        sige bbibiyahe na ko.

        uunahin ko sa korea..
        bakit?? wala lang
        gusto kong makapangasawa ng koreana? haha

        asa naman ako!

  4. oh?! bakit nanjan picture ko?! ( jessie ) hahaha, toinks!

    anyhow, kaiinggit ka naman, isa kasi sa bansang gustu kong puntahan eh yang Korea, kahit sang lugar jan, basta Korea, gustu ko kasing makita ung F4 hahaha…

    salamat sa link! add din kita ha??!

    • oo nga, di ko napansin agad. hawig nga kayo ni jessie🙂

      sige lang punta ka sa korea, hanapin mo ang F4, pero sa tingin ko mahihirapan kang hanapin sila doon kasi sabi ni Jessie eh taga-taiwan daw sila. hehehe.

      masarap gumala, maraming natutunan, nakikilala at higit sa lahat masarap kumain. pero paborito ko ang thai food, hahaha.

      salamat sa muling pag-daan.

  5. hehehehe di ako nakarelate kasi kapamilya ako eh…alam ko yang full house at coffee prince sa gma yan eh…

    pero okey ang trip mo ha…ganda ng korea…

    yap, mas masarap ang kapeng batangas…

  6. kainis, pilitin ba naman akong padaanin sa coffee prince road. lam ko namang wala ganun dun! nauna pa kaya ako sayo dun. sinamahan pa nga ako ni jumong at ng kanyang mga guardia sibil. na-meet ko pa nga si kapitan at si jang geum, masarap pala talaga siyang magluto. inaway ko nga si lady choi. dinalaw ko rin si sassy girl, nakulong siya e, very naughty kasi. hehehe. sumakay pa nga ako sa carousel ni jody at cholo. yun nga lang, ayokong tumapak sa DMZ at baka maburdahan ng bala ang paa ko ng mga hukbalahap. di rin kami nagkita ni jessie, justin at si andy kasi paalis na ako ng dumating sila. hehehe.

    pero, like kong bumalik dun. dapat sama ulit tayo ng mga tropapips. puntahan naman natin yung opisina ni yuan at ng makurot sa singit si sandra. hehehe.

  7. hahaha oo nga, balik tayo dun. mas masaya kaya ang trip pag kasama ang batang mangyan.

    hindi ko kilala ang mga pinagsasasabi mo dito. ‘tsaka walang hukbalahap sa DMZ, panahon pa ng hapon yata ang hukbalahap??? na-research ko, Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon ang meaning ng hukbalahap… kaya mali ka naman, HukBaLaKor ang dapat! hahahaha!!!

  8. isang napaka sayang HUWAW!!!! pagkatapos mo mabusog sa KINULTEEEEEEEEEEEe eh kape naman ang pinag tripan mo. aheheeheh

    Astig! nanonod ako ng coffee prince and ang ganda nia, kras na kras ko si jenny. cute pa ng story. naalala ko pa kasi nung bakasyon ko lang tlga napanood yan, kaya bumili din ako ng peyk na dvd at tinapos ko bago ako balik sa saudi. ahahahaha!

    Tol, ang sarap ng pakiramdam pag nagbabasa ako sa post mo, para na din akong nakakasama sa byahe ng mangyan… naka sabit ang “tindero ng kinulte” sa sasakyan ng mangyan!

    aheheheheh byahe pa!!!!

  9. salamat naman. haha. hayaan mo tol, tototohanin natin yan, hindi lang sa kwento ko ikaw makakasama, babyahe tayo, saan mang sulok ng mundo, basta sagot mo. hahays.

    tol, huwag ka magsasawa bumisita sa blog ko ha. masarap pala magkwento dito. hayaan mo, marami pa ako byahe na isusulat at ikukento dito. salamat ulit tol.

  10. Napaka-swerte mo naman. Sana magising rin ako isang araw na naglalakad sa Korea. Hehehe! Ewan ko ba kung bakit sikat na sikat yang mga Koreanovela. I think kasi siguro cute yung stories? I’m not sure though. Bihira rin kasi akong makanood ng tv. Or maybe dahil nauso si Sandara Park kaya sumikat ang Koreanovelas dito? Hehehehe!😀

    • haha, oo, dati lang din ako nangangarap, pero isa-isang natutupad dahil sa determinasyon. hmmm bigat. salamat sa pagbisita.

      anyway, yong magnetic sudoku…magnetic yong numbers na ipopost sa mga squares, yong pinakapapel ay parang whiteboard, so wala ng erase erase pag may mali, lipat lang ng lipat ng number. pero handy lang naman din. sa toy kingdom sa podium at megamall meron nun dati. try mo lang. cge enjoy life!

      • Hehehe! Sa bagay, ganyan din naman kami dati.😀 At least nagpoprogress tayo. Hehehe!

        Ahhh, gets ko na. Kaso mahirap pag nawala yung magnets. Maghihintay na lang ako na magkaron ng touch screen na sudoku. Hihihi!

  11. boypulubi Says:

    Narinig ko din ang coffee prince na iyan. Pero di ko rin napapanood ito. Wala din naman sigurong masama kung medyo tinatangkilik natin ang iba. Basta laging isasauna lamang ang sariling bansa.

    Balang araw mas lalong gaganda pa ang Pinas. At ang susunod na henerasyon natin ang siyang lalong magmamahal ng ating bayan.

    Mukhang marami ka na ngang nabisitang lugar. May litrato ka pa sa may Golden Gate Bridge doon sa “sidebar” mo.

    Nabasa ko na din ang iba mo pang mga naipaskil. Gusto ko ring mapuntahan ang lahat ng lugar sa Pilipinas. Pwede ba ang sabit para libre na lang?

    • oo, masarap ikutin ang pilipinas, napakaganda ng bansa natin. salamat sa inspiring message dito.

      sige sabit ka lang, haha. ako dati sabit din. hahaha. balik ka ulit dito, marami pa akong kwento..

  12. Ganda naman ng adventure mo. Sana makapunta rin ako sa Korea in the future! hehehe!

  13. oh my korea!! hahaha!
    batang mayaman ka talaga kuya ayeeeeeeeeee🙂

    oh hasan na pasalubong ko?? nyaa sabi mo
    “sa susunod na byahe”
    hahahaha game na!

  14. huwaw! nagpunta ka sa land of koreanovelas! kakainggit naman!!! the place looks so very nice and refreshing. kaso di ako makarelate ng lubusan sa coffee prince at full house, di kasi ako teleserye fan (local or imported).

    salamat pala sa pagdaan sa e-bahay ko. add din kita para mabisita din kita ng madalas🙂

    • salamat winkie. mahilig ka din pala magtravel. pasyal ka ulit dito, marami pa akong kwento about my trips, welcome sa travel blog ng batangmangyan. bago lang ako sa mundo ng blogging haha.

      salamat sa pag-add.

  15. wow u’ve been to Korea! kainggit. Nganong kabalo man ka magbisaya? hehe

    sige add din kita sa blogroll ko. thanks!🙂

    • haha, kabalo ko bai gamay ra. trying hard bai?? haha. natuto ako kasi i had a gf from tagum, davao and had to learn cebuano kasi yong father nya wouldnt talk to me in tagalog. kaya ayun. haha.

      salamat dyud sa pag-add nimo sa imohang blogroll. daghan ko istorya about my trips. balik ka lang dito. thanks again.

  16. Ginoogle ko talaga yung “Demilitarized Zone”, nuon pa ko naiintriga sa NoKor at SoKor, grabe conflict ng dalawang bansa. Kung nagkataon nuon ganyan din yung hiniling ng AbuSayyaf sa Mindanao nuon na gawing silang State, pero imposible nga yun. Kakalungkot diba… kung nagkataon, iisa bansa natin pero kailangan pang maghiwalay dahil lang sa magkaibang paniniwala at hindi pag iintindihan.

    ** Ganda ng trip mo at kwento, ang sarap malaman yung mga kultura ng ibang lahi at shempre ang pagkain… SARAP!

    Talaga di sila friendly?? hmmmm… bakit naman kaya?

  17. i’d like to rephrase it, hindi sila “tourist friendly” para sa akin kasi ang mga simpleng “hi, hello, excuse me, thank you, and i’m sorry (kung nakasagi o nakabangga ka ng tao, lalo na kung alien sa bansa mo), napakasimpleng bagay para sabihin, pero wala kasi siguro sa kultura nila ang mga ganong bagay. unlike westerners, specifically ang mga americans, kahit saang lugar, taragis ang mga ngiti, hindi ka pagdadamutan. it’s a cultural thing i guess, kaya dapat lang na igalang. ilang araw din kasi ako namalagi sa korea, ni isa sa mga nabanggit ko na salita eh hindi ko naririnig sa kanila.

    salamat ulit ha.

  18. Batang mangyan, sarap nman ng adventure m.pero sayang dmo nahagilap si jessie at andy.nkpagpapicture ka man lang sana hbang nkaakbay sa kanila.🙂
    salamat sa pgdalaw sa e-kuta ko.

    • oo nga haha. salamat din sa pagbisita. ganda ng site mo, bilib ako sa mga artists. tsaka sikat ka na pala pards eh. nabasa ko yong article dun sa blog mo. congrats naman. more power at sana marami ka pang ma-inspire sa mga obra mo.

  19. gusto ko ding makarating dyan. sana may shot ng food trip😀

    magkano ang byahe dyan? mukang malamig hano? pagpunta ko dyan dapat winter hehe

    • y not? oo, i suggest u go there in spring or the best is during winter – para may snow, haha. dami pa sanang pics kaya lang wala ng space.🙂

      magkano?? hmm, cheap para sa isang nag-aabroad na katulad mo. kayang-kaya ng dollars mo. salamat sa pag bisita sa travel blog ng batang mangyan. balik ka ulit pards.

  20. Minsan naman isama mO aq sa trip mO. Kaloka ka, pati korea pinuntahan muna. Fav. Ko ang mga piling korean0vela. Gus2 qo dn cla makita.. Wala ka b nktang artista?

    • sure, pagtumama ako sa lotto, isasama ko kayo lahat na ka-blog ko. saya nun. hahaha. wala ako nakita artista, hindi ko kasi sila hinanap, maliban kay jessie at andy. haha.

      salamat sa pabisita. sa sunod ibang kwento na naman ng byahe ko. balik ka ulit🙂

  21. kelan naman kaya masusulat ang biyaheng binangonan? kakaibang experience sa probinsyang kalapit ng maynila.

  22. nakakainggit ka naman pare. dahil lang sa paghahanap kay jessie nagawa mong makarating ng korea? pero weyt curious kasi ko dun sa painting na sumasagot ehehe, sorry medyo ignorante…pwede pakuwento babalikan ko na lang😛

    • salamat sa pagbisita dito. ah yong mga paintings, u can interact with them, like monalisa, gumagalaw yong lips, as if she is really talking, then u can ask anything, from a speaker somewhere in the painting, you can hear a soft voice, explaining the answer/s to whatever questions you throw in. minsan nga lang, di rin alam ang sagot, ako kasi kinulit ko ng kinulit, kaya ayaw ng sumagot. haha.

      balik ka ulit dito. add kita ha. thanks.

  23. aba may mangyan sa Korea, ang saya naman… medyo hawig kayo ni andy promise…

    inget ako…

  24. mahilig pala magtravel ang mangyan.
    parang pareho tayo ano?
    hehehe

    parang gusto ko rin mapadpad jan sa korea.
    pag may budget at time na hindi ko yan palalampasin.
    hmmm..

    salamat sa pagbisita sa bahay ko parekoy.
    na add na kita sa blogroll ko.
    ayos.

  25. sa dami ng koreano sa pinas parang extension na rin tayo ng korea🙂
    kaya dapat lang na tayo naman pumunta sa kanila lol. thanks for sharing.

  26. wow.
    ang saya naman.
    dapat sinako mo na lang ako
    tpos sinama mo ko.
    hehehe.

  27. huwaw huwaw huwaw..

    inggit inggit inggit. NYahhahaha

    buti ka pa isang katuparanan naman sa pangarap mo ang natupad.

    ako din pangarap ko ding makapunta sa Korea..

    Endless love 1 & 3 ang paborito kong koreanovela..

    amp. at issa ka pala yung All About Eve🙂

    si Nicole ang pangarap kong makilala heheheeh😀

  28. hmmmm san naman kaya next destinastion ni
    batang mangyan

    nakaka excite..
    😀

    Kamusta

  29. Isama mo kami sa susunod mong papasyalan.

  30. galaw galaw baka mastroke… hehehehe

    naghihintay lang kami dito.. padaan lang po.

  31. padaan lang po.. =)

  32. nasan ka na ba? nakakasampung balik na ako dito..

  33. Napadaan po uli… la pa bago? San ang gala pre?

  34. hi kuya napadaan lang po..
    hehe..

    pwede ba ko dito hehe..:)

  35. Sumasabit lang ulit sa pag gala. Ayos lang yan tol kung medyo maraming inaasikaso.

  36. korea? oo uso talaga yan, pati mga kanta nila nauuso na din. napapapnood ko sa tv si jumong at janggeum. hehe

  37. cute nung pinsan ni jumong. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: