Ang Batang Mangyan

Sa wakas, nakaisip na din ako ng mas angkop na pangalan ng aking “blogsite” matapos ang halos isang taon na pagbabalak magsulat at magbahagi ng mga kwentong inaasahan kong maaaring kapulutan ng mabubuting aral at mahahalagang impormasyon – putek may kalaliman na ito!  Balik sa “batang mangyan”,  bakit nga ba batang mangyan?  “ay aba’y awan ko!” – naalala ko tuloy madalas na sagot ng tatay ko noong nabubuhay pa s’ya, pag may tanong ako na di n’ya alam sagot – ay aba’y awan anak.

Bakit nga ba batang manyan?  naisip ko lang — wala man akong dugo o lahing mangyan, wala naman talaga kasi ang tatay eh Batangueño, ang nanay naman eh tubong kapangpangan…but am really proud to say that I am — wait, english na ito, pero sa isang banda, mas maikli ang kwento kung ingles..pero Pilipino ako, at mangyan nga eh, huwag na nga ang ingles kasi, at tsaka isinilang naman ako sa isang isla sa may timog katagalugang Luzon, pinalad makapagtapos sa isang unibersidad na “advocate” (sensya naman, di ko alam tagalong sa advocate, haha) sa paggamit ng wikang Pilipino – kaya tagalog na nga dapat eh.

Eh bakit na nga batang mangyan??  namulat kasi ako sa mundo ng mga mangyankapatid nating mangyan sa Mindoro – kung tawagin nga sa ingles ay “indigenous, native, aboriginal, etc.”, na masasabi kong mga simpleng tao, may paniniwala at paninindigan, kuntento sa kahit anong meron sila.  Eh ganon ba kaya ako? hindi ako sigurado…basta ang alam ko simple akong tao.  Marami akong natutunan sa mga batang mangyan:  ang pagiging kuntento kung anong meron; ang pagsusumikap sa buhay, pagpapahalaga sa kalikasan, ang pagiging maagap, pagmamahal sa kapwa mangyan, maging ang pangangalakal o simple trading, natutunan ko din.   Natatandaan ko noong bata pa ako, halos linggo-linggo, maraming kamote, kamoteng kahoy, pinakamagagandang wild orchids, ‘yan ang mga dala-dala nila sa bahay namin, ipapalit sa damit, kanin, bigas, at sa pinakagusto nilang sardinas.   Marami din ang nagsasabi na tuso ang mga mangyan, pero para sa akin, ‘di ko man naiintindihan pa noon, tuso sila kasi gusto nilang mabuhay, hindi para manglamang sa kapwa.   Higit sa lahat, nakita ko sa mga batang mangyan kung paano sila mangarap at umasa na may magandang bukas.

Pero malaki na ang ipinagbago ng mga mangyan sa Mindoro.   Marami na sa kanila ang nakakapag-aral, nakakapagtapos, may duktor, abogado, nurse, atbp.   Halos wala na rin makikitang nakabahag, hindi mo na rin malalaman kung sino ang mangyan, nakakatuwang isipin na kabilang na silang namumuhay sa isang sibilisadong komunidad.

Ayun naman pala, kaya batang mangyan, eh bakit bata? Dapat mangyan na lang…eh gusto ko eh bata ..hayaan n’yo na..hindi ko na kaya maipaliwanag..basta ganun – “Batang Mangyan” – simpleng tao.

Marami akong gustong ikwento, kwento ng buhay, mga ibat-ibang karanasan at kung anu-ano pang kwento.  Pero marami na rin kasi nahahambing sa kwento ng buhay ko, sawa na rin ako sa drama ng buhay, mala-telenobela kasi ang kwento ng buhay, kaya naisip ko na lang na ibahagi dito ang masasayang kwento tungkol sa mga paglalakbay ko.   Mahilig ako maglakbay, natutunan ko din sa mangyan.   Masarap maglakbay, masaya, minsan nakakapagod, (magastos nga lang din, pero sulit), at ang pinakamahalaga – marami tayong matututunan sa paglalakbay – ibat–ibang lugar, tao, wika, kultura at ibat-ibang  karanasan.   Gusto ko lang ibahagi dito ang mga kwento ng aking paglalakbay – ito ang travel blog ng batang mangyan.

Tara na, byahe tayo.  Samahan n’yo akong ikutin ang Mindoro.  Ikutin natin ang Pilipinas.  Ikutin natin ang Mundo.  Isang maligayang paglalakbay!

 “It’s not just the destination, it’s the journey.”

13 Responses to “Ang Batang Mangyan”

  1. ah ngayon alam ko na kung bakit layas ako…dahil isa din akong mangyan!

  2. saan ka ba sa mindoro nakatira?

    • hometown ko fr. eh bansud, medyo malayo na sa calapan city, 90kms from calapan, approx. 2hrs drive. pero mas malapit na kami sa access sa boracay. haha. pasyal tayo fr. pag libre ka. message ka lang.

      salamat ng marami sa pagpasyal dito sa blog ko.

  3. Hmmm batang mangyan, ganda naman ng explanation. Minsan nakakalimutan na natin ang pagpapahalaga sa mga katutubo, sa hirap ng buhay na pinagdadaanan nila at sa buhay na pinipilit nilang sabayan, maganda nga at namulat na rin sila sa isang mundo na nakakapag aral na sila at may magandang pangarap na inaasam.

    Newei, salamat po sa pagbisita sa blog ko. Osya, byahe na! Layas din ako, kaya mangyan din pala ako… simpleng tao!

    *** Nakarating na rin pala ako sa Mindoro, sa Pinamalayan, tagal na rin nun 10years ago na yun.

    • salamat teentoinks.. wow, 20mins na lang narating mo na ang hometown ng batang mangyan. balik ka lang ulit sa mindoro. marami ng pagbabago!

      – madalas din nga pala ako napapadpad sa cabanatuan, at sa ibang sulok pa ng nueva ecija. salamat din sa pagbisita, balik ka ulit ha.

  4. ayun naman pala e. add ko din link mo ha sa weekend na lang boy!

    ingat!

  5. okidoks no problem..add me anytime. salamat salamat. ingats din boy! haha.

  6. padaan dito sa bahay mo BM (batang mangyan )
    binisita kita dito kase nakwento sa akin ni F3 (fr.felmar fiel) na napatawag ka kagabi at apat pa kayo ang tumawag sa baby priest..🙂
    sobrang saya nya nga daw eh…. 🙂

    natutuwa ako sa mga lathala mo lalo na sa coffee prince road my kulang na koreana ang nailagay mo na litrato na bida sa mga koreanobela (adik kase ako sa koreanobela) si Lee Young Ae as Jang Geum sa JEWEL IN THE PALACE (my dvd pa nga eh)HEEHHE🙂

    natuwa ako sa mga paglalakbay mo🙂

  7. Ox na Ox Says:

    Naghahanap talaga ako ng mga advocates ng katribu! Salamat at natagpuan ko ang blog mo!

    Kasama mo para sa Kalikasan, Kultura at Kabuhayan!
    Ikaw at Ako, KATRIBU Tayo!

  8. Hi Joel…

    I have been to your blog several times but I do not know if I have left some comments. Anyway, salamat sa pagbisita sa blog ko… Pareho pala tayo, mahilig lagalag… But I must say, ibang level ka pre… Hehehe…

    Ako eh, more into photography… Nadala ng hilig ko sa photography ang paglalakbay… Masarap nga namang maglakbay… Pero ang karamihan sa mga destinasyon ko ay malalapit lang…

    Magiging regular na akong bisita dito…

  9. kaya i love the mangyans i even name my buisness mangyan and my fathers business name is mangyan tribe!!

    proud to be a mindoreno proud to be a mangyan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: