Coffee Prince Road

Posted in Masarap Maging Dayuhan with tags , , , , , , on August 23, 2009 by BatangMangyan

 

andy

andy

jessie

jessie

‘di naman ako mahilig manood ng tv – maliban sa NGC at Starsports, at lalong hindi rin mahilig manood ng telenobela. pero bakit ba sikat na sikat ang mga koreanobela sa pilipinas? madalas ko madinig noon ang“coffee prince” at “full house”. kaya pala, pretty naman kasi ‘yong bida na si andy, pero mas trip ko si jessie ng full house, nagkalat ang picture nya sa bahay namin, paborito kasi sya ng pamangkin ko. given the chance to visit korea, i’ll find jessie – hahaha.

demilitarized zone

demilitarized zone

 bingo! natupad ang dream ng batang mangyan, isang araw, nagising na lang ako na naglalakad sa isang demilitarized zone (DMZ) – ito pala ang common grounds ng south at north korea – lahat ng dialogues/ negotiations at kung anu-ano pang mga bagay-bagay between the two nations, are held here, napakaganda ng place. medyo malayo man ito sa seoul, pero pinilit kong marating kasi nandito ang highlights ng history ng dalawang bansa – hindi ko na ikukwento dito, i-google n’yo na lang, hindi kasi ako nakinig sa tourist guide.

1988 Seoul Olympic

 marami pang tourist spots sa seoul at outside seoul. malinis sa seoul, kahit hindi gaanong friendly ang mga tao – (cultural thing, igalang natin)  pero disiplinado.  masasarap ang pagkain, kakaibang mga street foods – hindi ko ’yon pinalampas. syempre ginala ko ang olympic village, theme parks, ibat-ibang museums, art gallery na pwedeng kausapin ang mga paintings, ito ang pinakauna sa buong mundo na interactive ang mga displays. naitanong ko pa nga kay monalisa kung nakakaintindi s’ya ng tagalog, at ang sagot n’ya, “i am sorry parang si PGMA lang sumagot,  i don’t understand” hahays. astig.

seoul tower

hindi ko din pinalampas ang seoul tower, spring noon kaya nakakita din sa wakas (on my way up to seoul tower) ng mga cherry blossoms na sa magazines ko lang nakikita. binisita din ng mangyan ang typical korean villages na taragis ang pagkasosyal kung ikukumpara sa mga mangyan villages sa mindoro huhuhu.  syempre maraming palasyo ang napuntahan ko, kabilinbilinan kasi ng ate ko na bisitahin ko daw si jumong at si jang geum, pero wala sila pareho, ‘tsaka di ko sila kilala. pasensya na ate ko, ang goal ko lang naman talaga eh makita si jessie at wala ng iba. sa mga night market, puro pictures ni andy ang nakikita ko, wala ni isang picture ni jessie. nalungkot naman ako kasi parang hindi ko masisilayan si jessie baliw ang batangmangyan kay jessie. 

pinsan daw s'ya ni jumong

pinsan daw s'ya ni jumong

 matapos ang pamamasyal, nagtanong–tanong ako sa mga kababayan doon, malayo daw pala ang “full house”, tatawid pa ng dagat, hahays –meaning hindi ko talaga masisilayan si jessie. mas accessible daw ang “coffee prince”, malapit lang daw sa lugar na aking tinatambayan. so, ayun naman pala, may andy pa to the rescue haha.

coffee prince logo

isang araw bago umuwi ng maynila, natapos na ang tour at wala ng magawa, nagpasya na lang ako na hanapin ang coffee prince, instead. inaya ko ang ilang kasamahan na magkape sa coffee prince. ilang train stations din bago namin narating ang coffee prince road.  maraming beses din kaming nagtanong sa mga koreano pero parang napakaordinaryo para sa kanila ang “coffee prince”. mahaba rin ang nilakad namin para marating ang coffee shop.

The Coffee Prince

The Coffee Prince

naknang! isang maliit at napaka-simpleng kapehan lang pala ang coffee prince. hahaha. kaagad umorder ng kape ang batang mangyan (mas masarap pa syempre ang sariling atin na kapeng barako ng batangas), tapos walang hinto na pictorial sa loob at labas ng coffee shop. nagtitinginan sa amin ang mga koreanong halos wala ng mata sa pagkasingkit. tumambay at namahinga sa pagkapagod sa kakalakad, pero wala rin pala si andy. andykawawang mangyan, wala ng jessie, wala din andy! pabalik na kami sa aming hotel-tambayan ng mapansin ko sa isang station ng train ang napakalaking letrato ni andy. ayun si andy, agad akong nagpakuha ng letrato habang hinihintay ang sunod na byahe ng train. kahit man lang sa picture ay nahalikan ko si andy (baliw nga ang mangyan eh).

coffee prince roadwala naman talagang “coffee prince road”, ako lang ang nagbansag sa napakahabang kalye na aming nilakad habang hinahanap ang coffee prince, kaya sigurado akong hindi nyo mahahanap ang coffee prince road sa kahit-anong mapa. pero kahit wala pa s’ya sa mapa, memorable sa akin ang coffee prince road, dahil dyan nakilala ko ang isang tao na naging malapit sa puso ng batang mangyan-hahaha! — masaya at makabuluhan ang korean adventure ng batang mangyan.  o pa’no na, byahe na, hanapin na ang coffee prince road sa korea! tara!

Anyeonghaseyo”

Advertisements

Impake na!

Posted in Ang Ganda ng Pilipinas with tags , , , , , , , on August 14, 2009 by BatangMangyan

Cool— astig naman nang nakaisip na kalkalin ang laman ng bag ng may bag haha. sakto naman, kakabalik ko lang from a 2-day trip to Cagayan de Oro.  heto na ang laman ng bag ng batang mangyan, medyo nakakahiya naman yata but am doing this just for fun, napag-utusan lang ni pareng bon, baka di n’ya na ako padaanin sa MRT “bonistation” pag ‘di ko pinagbigyan ang kahilingan – haha! salamat pala sa pag-tag sa batang mangyan 🙂

laman ng bag 006ito ang bag na ginamit ko kahapon – mahilig ako sa black.  aside from my clothes (good for 2 days syempre, putek, di ko na pinakita kasi marurumi na) ito na nga ang iba pang laman ng bag ko:  pocket prayer– astig! pang-alis ng kabog ng dibdib while on board until maka-land hahaha.  kidding aside, sa lahat ng trip ko, i always bring this small prayer book which I got from Manaoag. laman ng bag ‘di ko man nababasa madalas, pero palagi ko kasama sa byahe!  marami nang narating ‘to, haha!  touchscreen SUDOKU– pampalipas oras lalo na sa eroplano tsaka pampaantok din! try n’yo!  swiss knife–  ‘di ko ito dapat dala kasi bawal ‘to sa carry-on bag, pero this time nailusot ko, hahaha.  hindi kasi nakatingin sa monitor ‘yong security when i went thru the x-ray, noong pauwi naman, sira ang x-ray machine sa Cagayan de Oro airport, tapos hindi naman nakapa, buti na lang, hassle pa sana ‘to, ayos!  though you can check it in naman kahit yun lang knife, nagawa ko na dati hahaha astig, kasama s’ya ng mga baril! body spray – syempre para palaging mabango!  bio-flu & ponstan SF– just in case, laging handa lang. hand sanitizer– wala lang, uso eh. hahaha. shades– nasanay na kasi ako, isa pa too early ang flight eh mataas ang araw paglabas ng plane, putek ang eye bag hahaha!

laman ng bagslipperssuot pagpunta sa Jollibee (breakfast, lunch, snack, dinner), tsaka oftentimes i  travel on slippers para walang hassle sa airport. toiletries– toothpaste, toothbrush, deodorant, mouthwash, cotton buds – walang bath soap and shampoo, sa area na kasi ako bumibili para sakto lang. i put them together in a zip-plastic bag, space-saver din kaysa ilagay ko pa sa isang bag, tsaka required din kasi na dapat nasa plastic lahat ng liquids! pang-workouti follow rules haha!  laundry bags– courtesy of linden suites (inuwi ko syempre, libre!)  short length tubes plus guide para ‘di ako maka-skip ng workout hahaha, sayang ang oras.  wala naman ako makakasama gumimik kaya workout na lang. pang-swimmingboardshorts & swimming trunks– ito kahit kelan palagi kong dala talaga, kasi mahilig ako sa swimming, kung may oras lang din kahit sa ilog, dagat, batis, pool, canal, ayos lang basta makaligo. pero ‘di ko nagamit this time kasi sa city lang ako, wala naman pool sa hotel na tinambayan ko, kaya ayan, ayos na ayos pa sila haha! back to drawer!

pampabigatnetbook– kasama ang charger (na pampabigat sabi ni bon), mouse at 3 pen/flash/USB/etc. drives, but i call it pen drive, conio ang arrive hahaha, pangmangyan.   kelangan ko to dalhin kasi work ang ipinunta ko doon at hindi pasyal – i wish!  signpen– pang sign syempre hahaha, putek!  celfone charger– pwede naman sanang  wala kasi 2 days lang naman, pero nandayan na kasi lagi yan kasama ng mga cables kaya kasama pa rin. plane ticket– ito pinakamahalaga kasi kung wala ‘to wala lahat saysay ang laman ng bag ko.

laman ng bag 012wala na!  travel light lang ako palagi. maliban sa ayaw ko magbuhat ng mabibigat, limited din kasi ang baggage allowance sa plane, 7 kilos lang kung carry-on, ayaw ko naman check-in kasi sayang naman ang bag ko. tsaka matagal pa maghintay.  at higit sa lahat, ayoko ko rin naman mag-uwi ng sangdamukal na laundry, mahirap maglaba!  kaya heto, umabot lang sa 4.7 kilos ang lahat ng dala ko for 2 days. ayos na ‘di ba?  o san ka pa, byahe na! pwede ko pahiram bag ko, huwag lang kasama laman, walang problema basta kunin nyo lang dito sa bahay, anytime!  

Tara na! Impake na! Byahe na!

“If you want all the comforts of home, stay there!”

Unang Byahe

Posted in Ang Ganda ng Pilipinas with tags , , , , , , , on August 2, 2009 by BatangMangyan

Syempre pa, Mindoro ang unang byahe.   Nakakalungkot isipin na sa dinami-dami ko ng napuntahang lugar, minsan din akong naging dayuhan sa sariling probinsya.  16 years ako namalagi sa Mindoro, pero di ko pa naikot ang isla ng Mindoro.  Maliban sa mahirap na buhay noon, kinailangan ko kasi pumunta sa Maynila para magpatuloy sa kolehiyo.

Ano nga bang meron ang Mindoro (maliban sa mga mangyan).   Bata pa lang ako naririnig ko na ang Puerto Galera, nasa Mindoro pala ang isa sa pinakamagandang tourist destinations sa Pilipinas.   Nasa college na ako noon nang nagkaroon ng pagkakataon na mapuntahan ang Puerto Galera.    puerto-galera‘Di man gaanong maputi ang buhangin sa beach kung ikukumpara sa boracay, pero naiiba din naman ang taglay na ganda ng Puerto Galera – malinis na tubig-dagat, sangdamukal na makukulay na ibat-ibang klase ng isda, mga buhay na corals – ilan lamang ito sa mga patunay na may natatanging ganda ang isla.    Tara balikan natin ang White Beach at ang isla ng La Laguna.

Marami ng pagbabago at pag-unlad ang Mindoro simula noong umalis ako.  May Jollibee na din, lately kasi naging indikasyon na ng progress ang Jollibee.    Sa ngayon, kung gusto mong pumunta sa Boracay sa mas murang gastos, may access na din sa Mindoro (goodbye Puerto Galera, welcome Boracay).    Simula nang nagkaroon ng access sa Mindoro patungong Panay Island, libu-libong turista at mga negosyante ang dumadagsa sa Mindoro araw-araw.  Tuwing umuuwi ako, mahigit sa 20 malalaking bus na puno ng pasahero ang nakakasabay ko sa pier ng Batangas, lahat ay isasakay sa barko, itatawid sa Mindoro, at tutuloy lahat sa Aklan at Iloilo.   Nakakatuwang isipin na may malaking naitutulong ang isla ng Mindoro sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya ng mga kalapit probinsya sa Visayas.    Tara na, punta na sa Boracay, pero daan sa Mindoro (pwedeng-pwede stop-over sa bahay namin, libre! san ka pa?)

Masarap manirahan sa probinsya.  Simpleng buhay, simpleng mga tao.  Hindi ka magmamadali, walang trapik, walang holdap, walang baha (wala din gimik sa gabi, sorry na lang sa mahilig gumimik).   Hindi kumplikado ang buhay.   Huwag natin iwanan tuluyan ang ating mga probinsya.   Saan man tayo ngayon – Maynila, ibang bansa man, huwag sana tayo makakalimot sa ating pinanggalingang bayan.   Hindi man tayo bumalik para manirahan muli, magbakasyon lang, ayos na.  Sigurado ako, maraming pagbabago.   Huwag sana tayong maging dayuhan sa ating sariling bayan.    Magbalik probinsya! Tara na!

“All roads lead to possibility.  Wherever the path takes you — enjoy it.”