Archive for wow phlippines

Paraiso: Sa Kabila ng Malagim na Pagsabog

Posted in Ang Ganda ng Pilipinas with tags , , , , , , on September 6, 2009 by BatangMangyan

noong isang buwan lamang ay napabalita na ipapasara na ang mt. pinatubo para sa mga trekker (lokal o banyaga) dahil sa pagkasawi ng 2 french tourists at 9 na pinoy at ilan pang nawawala, matapos nilang akyatin ang bundok.  ano nga bang meron sa tuktok ng bundok?

natatandaan ko noong 1991, isang malagim na pagsabog ang naganap sa mt. pinatubo at libu-libong buhay ang napawi, maraming pamilya ang nawalan ng tirahan at kabuhayan.  halos nagmistulang disyerto ang lalawigan ng zambales, tarlac, pampanga at ilan pang kalapit na probinsya sa dulot nitong lahar na halos umabot pa sa mindoro ang abo noong kasalukuyang sumasabog ang bulkan.   makalipas ang halos isang dekada, napabalita na isa nang tourist attraction ang mt. pinatubo.  una ko itong nabasa sa mabuhay magazine, at binalak ko, na kung may pagkakataon ay aakyatin ko ang bundok.

isang kaopisina ang nagyaya sa akin para umakyat sa mt. pinatubo, at maswerte ang batangmangyan at nabigyan ng pagkakataon na makasama sa adventure na ito.

ikalawa ng madaling araw nang umalis ang bus sa cubao patungong capas, tarlac.  pagdating sa capas sa ganap na ika-5 ng umaga, ay sumakay kami ng jeep patungong sta. juliana, na kung saan magsisimula ang pinatubo adventure.  kinailangan namin na makarating sa lugar bago mag-ikapito, bago pa magsimula ang “balikatan exercises ng mga US military” na kasalukuyang ginaganap noon sa sta. juliana.4X4 4X4

  

 

 

 

kasama namin ang dalawang local guides, ito ang aming sinakyan nang halos isang oras para marating ang simula ng paglalakad (simula pa lang pala, akala ko doon na). gabundok na agos ng lahardalawang oras at kalahati na paglalakad sa tubig, bato, buhangin, abo – bago namin marating ang mt. pinatubo.  sumasakit na ang likod ko, ang binti at paa sa sobrang tagal ng paglalakad, at halos ayoko ng ituloy sa sobrang pagkainip at pagod.   naaliw lang talaga ako sa kasama naming guide, kasi nasasagot nya ang lahat ng tanong ko, kahit wala na itong kinalaman sa mt. pinatubo (kakulet ng batangmangyan eh).pagod na pero ngiti pa rinnakisama naman ang panahon kasi hindi naman masyadong sumikat ang araw noon.   kaya sinamantala ko na rin ang paliligo sa bawat tubig na madaanan YAHOO.sarap maligomag-aalas onse na ng marating namin ang paanan ng bundok. TARAGIS! taragis ang nasabi ko sa guide, kasi paanan pa lang pala ‘yon.  May aakyatin pa pala kami para marating ng tuluyan ang bunganga ng bulkan.  Sa pananabik na malaman kung anong meron sa itaas, nagmadali na ang grupo sa pag-akyat sa makitid at madamong daan pakyat ng bundok.paanan ng bundokmga kalahating oras din ang aming inakyat — TARAGIS ULIT.  ito ang tumambad sa mga mata ng batangmangyan..isang paraiso wala akong nasabi kundi – OMG – haha.  nawala ang pagod, sakit ng paa, gutom – sa pagkamangha sa aking nakita.   putek, hindi ko pa pala narating ang crater ng bulkan.  kailangan pang bumaba para maramdaman ang lamig ng tubig sa bunganga ng bulkan.  mga sampung minuto pa na lakad pababa at narating namin ang maladalampasigan na bunganga ng bulkan.paraiso sa bundok ng pinatubosyempre, walang sinayang na oras ang batangmangyan, ligo agad, pero teka, sobrang lalim, wala akong makapa na lupa, haha, floating ang katapat, buti na lang marunong ako lumutang. wow pinatubo!isang oras din ang inilagi namin sa bunganga ng bulkan, inilatag namin ang dalang tent, nagpahinga, at iginayak ang dala-dalang mga pagkain at sandaling nagsalu-salo.  syempre may adobo, sardinas, tinapay, kanin, sisig. at nagulat ang lahat – ang dala ng batangmangyan ay dalawang lata ng SPAM LIGHT 50% less salt – hahaha. taragis.  matapos kumain at magpahinga, ay kinailangan na namin lisanin ang bunganga ng bulkan.   kailangan namin marating ang sta. juliana bago mag ikalima ng hapon bago magsara ang gate ng kampo ng balikatan. 4X4=16masasabi ko na sa kabila ng malagim na pagsabog ay isa na ngayong paraiso ang tuktok ng mt. pinatubo.    ang pinatubo adventure ng batangmangyan ay isa sa pinakanatatanging karanasan na mananatiling buhay sa kanyang ala-ala at isang patunay lamang ito ng katatagan, lakas at tibay ng loob, tiyaga, at hindi pagsuko sa anumang hirap at pagod marating lang ang tuktok ng tagumpay.

Tara, byahe na —  sasamahan ko kayong tuklasin ang ganda ng Mt. Pinatubo.

“Never stop exploring!”

Advertisements