Byaheng 2010

I got an email an hour ago, it’s a poem written by Andrew, he is my eldest sister’s son who is currently working overseas (mabuhay ang mga OFW). The poem talks about mishaps in 2009 and the challenges of 2010. And I want to share it with you thru my blog in time with the 2010 countdown. Wishing you all a meaningful 2010 and the years ahead. God bless us all.

NUEBE: ANG KWENTO NG PAGTATAPOS
(Ngitngit, Galit, Inggit at ang Biyaheng 2010)

ni Andrew Faye Semilla

Tatlong daan at animnapu’t limang araw ang nagdaan,
Karanasang sukdulan sa kaibuturan ang aming naramdaman,
Mga pangyayaring kailanman ay hinding-hindi malilimutan,
At sa tingin ko ay wala sinuman ang nais itong alalahanin pa at balikan.

Nuwebe ang taon na kung kelan nangyari ang mga paghahamon,
Mga sakuna, trahedya, kamatayan, dagok ang siyang sa atin ay lumamon,
Kahirapang nagpalugmok pa sa madlang tanging dasal ngayon sa Poon
Na sana sa taong hinaharap ay hindi na muling maranasan ang ganitong panahon.

Ang taong ito ay nag-iwan ng mala-delubyong pangyayari,
Nagsimula noong Enero’ng problemang dulot at dala nina Hayden Kho at Halili,
Pumagitna sa taon ang paghagupit ng makasaysayang Ondoy, Pepeng at mga buhawi,
At nagtapos sahumahambalos na pagputok ng pinakaperpektong bulkang Mayon na kumakandili.

Simulan natin ang kwento sa pagpanaw ng mga kilala at karespe-respeto,
Nasilayan natin ang pamamaalam, huling sayaw, kanta at huling mga El Bimbo,
Tulad nina Michael Jackson, Patrick Swayze at ang sarili nating si Kikong pilipinong-pilipino,
Talaga namang ang luksa ay umabot sa bawat sulok ng mundong ito.

Sa larangan ng pulitika, mga Pilipino’y muling nasubukan,
Mga pangyayaring sanhi ng dalamhati’t ngitngit sa muling kasaysayan,
Nang namayapa si Cory, ang unang ina ng perlas ng silanganan,
At ang karumal-dumal na pagpaslang sa Maguindanao nang pamilya Ampatuan.

Ngayong taon din natin nakita kung paano gumalaw ang pulitika sa bayan.
Dahil sa ang eleksyon ay ilang buwan na lamang na masisilayan.
Kaya naman sunod-sunod na ang mga bakbakan at patayan,
Daig pa ang World War II sa dala nitong takot sa madlang-bayan.

Napag-usapan na rin ang eleksyong kaabang-abang,
Nagsimula na rin naglipana ang mga buktot sa kapangyarihan at makabagong aswang,
Mga paru-parong ligaw at mga lintang pilit na kumakapit sa punyal ng kayamanan
At mantakin nyo’y pati ngani’y pangulo’y muling tatakbo dahil sa siba at katakawan.

Trahedya, sakuna,pinsala at delubyo,
Paglubog ng mga barko at pagbagsak ng mga eroplano
Pagkawasak ng bansa dahil sa dulot ng mga baha’t bagyo,
Ay iilan lamang sa bakas na iiwan ng taong ito sa bawat Pilipino,

Ang 2009 ay taon, na ang mga kababayan natin ay nasubukan ang angking kabayanihan
Sa kabila ng dalamhati’t kadilima’y, si Juan dela Cruz ay pilit na tumayo at lumaban,
Walang nagawa ang mga bagyo sa lakas ng pwersa ng mamamayan,
Dahil sa kapit-bisig, ang lampas sa tao na baha ay talaga namang nalampasan.

Talaga nga namang ang nuwebeng ito ay walang sinuman ang makakalimot.
Sa hapdi, pasakit, kirot at rubdob sa damdami’y talaga namang sumusuot.
Mga pangyayaring nais nang mawala at pilit na ibabaon sa limot,
Dahil sa nangangarap na sana ang 2010 ay hindi na tayo muling sisimangot.

Tanging dasal ko sa pag-alis ng nuwebe sa atin,
Ay madala nito ang lahat ng dusa at pasakit at tuluyan ng kalimutin,
Na sana sa pagpasok ng ika-sampu sa buhay ng bawat isa sa atin,
Ay mayroon tayong magandang umagang sisilalayan at mamahalin.

Sana sa pagtatapos ng unang dekada ng milenyong ito,
Matuto na sana tayo sa idinulot ng mga kasaysayang tulad ng ganito,
Na ang tanging naging pahiwatig nito ay magkaisa at mahalin ang ating mundo
Pahalagahan natin ang biyayang handog ng Ama nating sa ati’y nagmamahal, tapat at totoo.

Harapin natin ang DYIS nang may galak,
Maligayang Pasko at masaganang bagong taon sa lahat!

64 Responses to “Byaheng 2010”

  1. Jan 1, 2010 12:17 (Phil.Time)

    ako yata ang una, ako lang kasi ang hindi busy kahit new year! haha ^^ HAPPY NEW YEAR!

    madami talagang pangyayari ang naranasan nitong 2009 at dahil din naman dun nasubok ang katatagan ng bawat pilipino, umiral padin ang pagkakaisa, pakikipagkapwa at pagtutulungan.

    astig ng tula na ‘to! andrew?!

    • ang talented naman ng gumawa ng tula. manang mana sayo kuya Joel!!

      paalam na sa nuwebe!!

    • salamat tol, kahit busy ka u can still manage to read blogs and give feedback. napabilib din ako sa tula.

      nakakalungkot man isipin ang mga nangyari in 2009, yet, it will form part of history…the most important thing is we learn from it and we strive for the best years ahead.

      happy new year!!!

  2. 2nd base!!! hahaahhaah happy newyear!!!

    wow naman may tula pa.😀

    babasahin ko lang ha

  3. Parekoi! Happy new year!

    Ilang taon na yang pamangkin mo? Astig magsulat ha! Bigla akong nainggit, hehehe..

    Ang ganda.. as in!

    • happy new year parekoi. napabilib din ako sa tula. 22 na sya. polsci si andrew, mahilig magsulat. actually kakatapos lang nya ng isang book. pag napublish bigyan kita.

  4. huwaw gandang tula galing sa isang mangyan din!

    at isa pang maganda eh ang iyong bagong header!

    happy new year sandugo!!

  5. Nice poem ah! Happy new year po and thanks for dropping by my site, i’lladd you up on my links!🙂

  6. HAppy new year joel.

    astig ang pamangkin mo sa pagsulat ng tula. Sabi mo hindi ka marunong o magaling sa pag gawa ng tula, pwes, sia ang kumuha ng talentong ito. Isa siyang henyo sa laranagan ng pagka makata.

    Nice header, bagong taon bagong header. Patuloy ang paglalakbay at patuloy din ang pagbyahe kaya, sige! lakbayin natin ang kagandahan ng mundo at ng pilipinas.

    Happy 2010 !!!

    • happy new year christopher.

      haha, hindi talaga ako marunong gumawa ng tula. napabilib din ako sa gawa ni andrew, kaya nga post ko agad. hehe.

      salamat sa iyong pagbisita. bagong header, bagong taon kasi. asahan mo pa na marami pang header bawat okasyon.. wala na kasi ako makwento, kaya daanin na lang sa header, hahays.
      🙂

  7. pers of all hehe.. happy new yr. muna kuya hehe..

    ilang taon na pamangkin mo may talento sya..

    paalam 2009.. lets enjoy 2010..:)

  8. hehehe ang ganda ng tulang ito. summary ng mga events.

    happy new year bm!

    at ang ganda ng header!

    • salamat po fr., isang masagana at mapayapang bagong taon sa iyo fr., sana maging mapayapa na sa Mindanao at sa buong bansa, at sa buong mundo, at sa buong universe. haha.

      • hehehe kinakabahan ako. this monday, may funeral mass ako dito na pinatay last week sa isang sabungan. dating vice mayor. binaril ng 20 tao. katakot. rumor has it na ang mga pumatay ay di pa nabayaran sapagkat ayon sa contrata, dapat dalhin daw sana nila ang ulo ng ex-vice mayor.

        ung wake gabi-gabi, walang tao kasi natatakot sila dito na babalik pa ang mga murderers para kunin ang ulo ng pinatay. red alert dito. (nginig)

        ako pa naman ay magmimisa sa funeral mass this monday. (sign of the cross). ang funeral mass, yan ang last two minutes para sa mga murderers.

  9. ganda ng tirada ng gumawa ng tula…

    haayy..bye tu-oo-nayn!

    hello 2010..totoo bang babaha naman ng pera ngayon? eleksiyon kase eh. hehe

    happy new year!

  10. ang galing nman ng pamangkin mo. Nag mana ba sa tito🙂

  11. @Andrew: Wow.. ganda ng tula.

    Sa pag alis ng NUWEBE, nawala rin ang nyebe dito! ahaha Corny ko!

    Newei, gaya nga ng sabi ni Bon.. sa kabila ng mga sakuna dun naman natin nasukat ang pagkakaisa ng bawat Pilipino na hinangaan sa buong mundo. (hmm.. yan ba ang sabi ni Bon?) hehe

    Happy New Year BM!

    • thanks teena. dapat talaga may NYEBE pa kasi until feb pa naman ang winter, haha.

      happy birthday ulit. at happy new year! ganda ng header mo. “life is beautiful” — my favorite movie. haha.

  12. KUyA joel kamusta kana!!

    hahahaha

    happy holidays po!!

    pa tumbling mmuna dito!!

    have a nice 2010 ahead!!!!

    yahooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!

  13. happy new year kuya! kamusta?

    ganda nung tula. tsk. naalala ko na namang malapit na nga pala ang eleksyon. wee let’s vote wisely! kaya natin!😀

  14. Goodluck for 2010. I have a lot of friends from Mindoro… mga taga-pinamalayan, gradweyt ng ihmanian.com

    • hi ria, new ka dito. salamat sa pagbisita. sigurado ako mababait ang mga friends mong taga mindoro (hehehe), alam ko yong pinamalayan. malapit lang doon ang hometown ko. add na kita dito. salamat.

  15. Tibay ng tula ng pamangkin mo.
    sa haba ng tinira nya ‘e hindi sumablay maski isang linya..
    may laman at sulit ang basa.

  16. Hello Batang Mangyan!

    I am also a Mangyan from Occidental Mindoro… Hehe🙂

    Nice to see you here in Blogosphere…🙂

    Happy 2010!

  17. happy new year. nice blog

    it’s my first time here cheers! visit my blog🙂

  18. ganda ng pagkagawa ng tula ah… makagawa nga rin. hehe.

  19. k. let’s exchange links. thanks for the visit.

  20. Hi po. i like how the poem was done. may pagkamalalim pero direcho sa kung ano tinutumbok nya.

    first time ko dito po. just searched your blog courtesy of my Kaye’s links.

    Balik ulit ako dito soon! and add kita! tenchu tenchu!
    😀

  21. nice blog!

    add kita sa blogroll ko ah..

  22. ako may tula
    tungkol din sa mga new year
    tulad ng nuebe na hindi naman talaga new
    kasi ang mga nakaraang new year
    mapa uno, sinco, syete, o dos
    pareho din walang bago
    o tunay na pagbabago

    ang away, ang dami nyan
    ang pumatay, habit na yata yan
    ang mamatay, eh lahat tayo dyan papunta
    mga iskandalo at kahihiyan, meron ba pa tayo non?
    gera? tanggalin mo ang tao. yan.. baka mawalan ang gera.
    eh syempre di papahuli si MJ kina John, Diana, o Bruce Lee.
    mahuhusay sana.. bigla naman mga namamatay.
    si Tita Cory naki sali pa.
    ang politics ganon din..
    wag kang maka tayo sa tama.. bangkay ang kalalagyan mo.
    lindol, bagyo, higanteng alon, baha, apoy, kidlat! mga tao, takbo!
    isang iglap lang, gunaw ang abot mo.

    may nag sabi sakin.. kung ano daw ang 2010 sa kanya.
    menos diyes daw para alas dose.. kakalembang ang kampana.
    kampana ng 2012. ayan.. yang mga ganyan natin.. luma na rin yan.

    pag gantong new year.. ano ba dapat ang dasalin..
    na hindi pa natin nadadasal?
    kahit ang mga dasal natin.. sa paulit ulit.. luma na rin.

    nakaka blangko, noh.
    kelangan ko yata ng ibang tula.

  23. kuya joel kamusta kana??
    kamusta ang paggala??
    hehehehe

    magandang umaga sayo kuya!!!!!!!

  24. byahe ka naman sa blog ko! hehehe

  25. life is enjoyable, you just have to feel it… feel ko lang… ahehehehe

  26. ay kagaling ng pamangkin mo eh!!., klap klap!!

    mas malungkot din for me ang 2009..
    hopefully okay tong Taon na to para sa lahat…,

    at super late tong koment ko para sa New Year…,
    March na sa Monday… ahehe

    Ngayon lang nakadaan dito =)

  27. salamat po sa pagrepost ng tula ko…

    natutuwa ako sa mga reviews at comments…

    salamat po..

    -drewbchlr

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: