Impake na!

Cool— astig naman nang nakaisip na kalkalin ang laman ng bag ng may bag haha. sakto naman, kakabalik ko lang from a 2-day trip to Cagayan de Oro.  heto na ang laman ng bag ng batang mangyan, medyo nakakahiya naman yata but am doing this just for fun, napag-utusan lang ni pareng bon, baka di n’ya na ako padaanin sa MRT “bonistation” pag ‘di ko pinagbigyan ang kahilingan – haha! salamat pala sa pag-tag sa batang mangyan🙂

laman ng bag 006ito ang bag na ginamit ko kahapon – mahilig ako sa black.  aside from my clothes (good for 2 days syempre, putek, di ko na pinakita kasi marurumi na) ito na nga ang iba pang laman ng bag ko:  pocket prayer– astig! pang-alis ng kabog ng dibdib while on board until maka-land hahaha.  kidding aside, sa lahat ng trip ko, i always bring this small prayer book which I got from Manaoag. laman ng bag ‘di ko man nababasa madalas, pero palagi ko kasama sa byahe!  marami nang narating ‘to, haha!  touchscreen SUDOKU– pampalipas oras lalo na sa eroplano tsaka pampaantok din! try n’yo!  swiss knife–  ‘di ko ito dapat dala kasi bawal ‘to sa carry-on bag, pero this time nailusot ko, hahaha.  hindi kasi nakatingin sa monitor ‘yong security when i went thru the x-ray, noong pauwi naman, sira ang x-ray machine sa Cagayan de Oro airport, tapos hindi naman nakapa, buti na lang, hassle pa sana ‘to, ayos!  though you can check it in naman kahit yun lang knife, nagawa ko na dati hahaha astig, kasama s’ya ng mga baril! body spray – syempre para palaging mabango!  bio-flu & ponstan SF– just in case, laging handa lang. hand sanitizer– wala lang, uso eh. hahaha. shades– nasanay na kasi ako, isa pa too early ang flight eh mataas ang araw paglabas ng plane, putek ang eye bag hahaha!

laman ng bagslipperssuot pagpunta sa Jollibee (breakfast, lunch, snack, dinner), tsaka oftentimes i  travel on slippers para walang hassle sa airport. toiletries– toothpaste, toothbrush, deodorant, mouthwash, cotton buds – walang bath soap and shampoo, sa area na kasi ako bumibili para sakto lang. i put them together in a zip-plastic bag, space-saver din kaysa ilagay ko pa sa isang bag, tsaka required din kasi na dapat nasa plastic lahat ng liquids! pang-workouti follow rules haha!  laundry bags– courtesy of linden suites (inuwi ko syempre, libre!)  short length tubes plus guide para ‘di ako maka-skip ng workout hahaha, sayang ang oras.  wala naman ako makakasama gumimik kaya workout na lang. pang-swimmingboardshorts & swimming trunks– ito kahit kelan palagi kong dala talaga, kasi mahilig ako sa swimming, kung may oras lang din kahit sa ilog, dagat, batis, pool, canal, ayos lang basta makaligo. pero ‘di ko nagamit this time kasi sa city lang ako, wala naman pool sa hotel na tinambayan ko, kaya ayan, ayos na ayos pa sila haha! back to drawer!

pampabigatnetbook– kasama ang charger (na pampabigat sabi ni bon), mouse at 3 pen/flash/USB/etc. drives, but i call it pen drive, conio ang arrive hahaha, pangmangyan.   kelangan ko to dalhin kasi work ang ipinunta ko doon at hindi pasyal – i wish!  signpen– pang sign syempre hahaha, putek!  celfone charger– pwede naman sanang  wala kasi 2 days lang naman, pero nandayan na kasi lagi yan kasama ng mga cables kaya kasama pa rin. plane ticket– ito pinakamahalaga kasi kung wala ‘to wala lahat saysay ang laman ng bag ko.

laman ng bag 012wala na!  travel light lang ako palagi. maliban sa ayaw ko magbuhat ng mabibigat, limited din kasi ang baggage allowance sa plane, 7 kilos lang kung carry-on, ayaw ko naman check-in kasi sayang naman ang bag ko. tsaka matagal pa maghintay.  at higit sa lahat, ayoko ko rin naman mag-uwi ng sangdamukal na laundry, mahirap maglaba!  kaya heto, umabot lang sa 4.7 kilos ang lahat ng dala ko for 2 days. ayos na ‘di ba?  o san ka pa, byahe na! pwede ko pahiram bag ko, huwag lang kasama laman, walang problema basta kunin nyo lang dito sa bahay, anytime!  

Tara na! Impake na! Byahe na!

“If you want all the comforts of home, stay there!”

57 Responses to “Impake na!”

  1. haha saya! salamat sa pagsagot sa TAG. daming laman ng bag atr isa lang nakita ko ang batang mangyan ay “MAYAMAN” eh puro signature items! putek! haha coniong conyo nga! lagot ka at humanda ka sa pang aasar ni topexpress! wahaha! astig nung prayer book! wala ng mas ook pa sa pagdadasal! saludo ako sayu dyan!

    curious ako anu ung SUDoKU? hehe masyado na ayatng hightech un at hindi ko alam sensya naman hehe. astig netbook ang gamit traveller talaga!!

    ung palagi on the go sa swimming haha batangmangyan talaga!? laki sa dagat!? nyaaaa! tapos puro billabong hahays ang yaman!

    byahe na!!

    • sudoku a.k.a. Su DoKU – abbreviated from suuji wa dokushin ni kagiru in japanese, meaning “the numbers must remain single” – is a logic puzzle consisting of a 3-by-3 grid of nine squares, each of which is similarly divided into nine smaller squares, some containing a numbers as clue. The aim is to fill in numerals from 1 to 9 so that every horizontal and vertical line and every large 3-by-3 square contains only one instance of each number – in short – Sumakit ang ulo ko!

      hahaha, ayos. enjoy ako sa bag tag na ‘to. salamat tol sa pag-tag mo. tag lang ng tag, para may maisulat ako.

    • wow. ang saya!
      apir!
      dito ko nagcomment para mabasa mo agad!
      hehehe.
      ei,
      mraming salamat sa pagpapkita ng
      laman ng iyong bag.
      ang yaman mo pala!
      astig naman!
      isa kang techy person.
      hehehe.
      pwede bang palit na lang tau ng
      bag. hehehe.
      gusto ko ng north face
      kso mahal yan.
      hehehe
      kaya pwede po bang akin na lang.
      .
      .
      .
      .
      .
      .
      nagpasalamat na ba ko?
      basta maraming salamat po.
      apir!

      • ikaw pala ang salarin sa pagpapalaganap ng mga bag sa mundo ng blog. hahaha. salamat.

        salamat sa pag add. welcome ka dito. kahit wala pa masyado entry, busy sa work. pero gagawa pa ako ng marami. hindi lang laman ng bag. hahaha.

        dalaw ka lang palagi. bibisita din ako sa bahay ng MB. okidoks andoks manok!

  2. himpernes tol naimpress ako sa laman ng bag mo? may mga tatak ha?! hmmm… at ang trunk bro, brown na stripes! ahahahahaha ayos! very batang mangyan!😀

    Bag pa lang TNF na! Isama mo pa ang Lacoste Red na panalo ang amoy! eh san ka pa naman sa sudoku na touch screen, putek! eh ako bumibili pa ako ng libro ng sudoku ikaw may pa touch touch nlng!

    ayos ang laman ng bag mo tol, pag naisipan mo na itapon mo na yan, naku sa topexpress mo itapon ha! aheheheheh walang tanggalan ng laman! ahahahaha

    nice bag tag blog tol! ahehehe

    hay payb!

    • hay payb! salamat. salamat.

      sure, sa’n ba ang entry point ng topexpress? connected ba ito sa highway 101? abangan mo na lang tol ang bag ko do’n. ingat lang baka ka mahuli ng pulis, maunahan ka pa sa bag ko.. pwede rin palit mo bag ko sa isang damukal na kinulte. yong hindi masisira sa loob ng isang taon ha.

      hay payb ulit. kinulteeeeeeeeee!

  3. ahahaha ang sosyal ng mangyan at high tech ang sudoku!

    sandugo saludo naman ako at may prayer book ikaw. meron naman akong guardian angel na lagi kong nasa bulsa ng pantalon! wala lang epal lang! hihihi

    • maliban sa prayer book may kasama pa yang guardian angel, pero nasa bulsa din ng pantalon ko. laman kasi ng bag ang usapan eh, hindi laman ng bulsa kaya di ko na isinama. hahaha.

      salamat sa pagdaan sandugo. daan lang ng daan, libre naman.

  4. sus, ka sosyal pod ani nga byahero oi…branded man ang mga gamit! kidding aside, nice tips here coz just like batang mangyan i’m a light traveler too…di ko ganahan ug daghan dala nga di ra magamit… pero ang pabalik ang di nku mapasalig nga light traveler pa gihapon ko kay unsaon nlang ang mga pasalubong dha!!! Sabot? hahaha…

    nice blog, cheers!!!

  5. wow naman, ang layo na ng nararating ng bag tag na yan🙂

    at patuloy akong nanliliit sa mga laman ng bag nyo🙂

    napadaan lang,

    otep pala.. salamat sa pagpapatuloy sa e-bahay mo, bukas kasi yung pinto e kaya di na ako kumatok pasok agad. Nyahahahahaha😀

  6. koinkoink Says:

    wow! asteg ng laman! naempress ako. kaingit. lol

  7. Love the bag! The n0rthface! WoOt, daming laman ng bAg,pati kuTsilyo.Haha..

  8. mayaman..
    kaya pala nung una kong nabasa ang ‘batang mangyan’
    e ‘batang mayaman‘ ang basa ko. hahaha!
    totoo🙂

    wootwoow! pasalubong?? hihi🙂

  9. koinkoink Says:

    wala po along post about my bag. Sige subukan ko gumawa.

  10. wow batang mangyan magkamuka tayo ng USB… andaming laman ng bag mo…. apir…

    nasa bogroll moko… salamat….

    para sayo…

    ahoo… ahoo… ahoo…

  11. wow

    nasilip ko na rin ang bag mo!

    wahhh riot!

    ang daming laman ng bag
    heheheeh kasi naman mag aairplane ka kaya marami laman hahaha

    kasya ba talaga yan dyan!

    add kita sa blogroll ko batang mangyan.:D

    • oo kasya lahat yan, maluwag pa, kasya pa dyan laman ng bag mo, isama natin hahaha. salamat sa pag-add ha. astig nga ng blog mo. daan ka lagi dito.

      • wow.
        blog blogan na to..
        hehehe.
        nasama na kita sa blogroll ko.
        apir!
        mukhang masipag kang magcomment. hehe
        isa lang
        ang sigurado ko
        sa kaunting panahon.
        magiging tanyag ka sa mga blog u.
        apir!
        maluwag pa ba?
        .
        .
        .
        .
        pwede bang ako na lang ang ipasok mo sa bag u?
        apir!
        pasalubong ha!?

  12. naa-assign nga pala ako sa paitan at kilala ko si fr. denter. kaya malapit sa puso ko ang mga mangyans…

    add na kita sa links ko ha.

    • wow, nakakataba naman ng puso yun na malapit ang puso mo sa mga mangyans. nabasa ko nga sa blog mo na na-assign ka sa baco. natatandaan ko fr. halos lahat ng pari sa mindoro ay SVD missionaries. pero dumating yong time na isa-isa na silang umalis. sana makablik kayo doon. byahe ka ulit sa mindoro. tara, samahan ko kayo, haha.

      maraming salamat fr. sa pag add.

  13. […] Batang Mangyan, Boni Station, Felmar’s Missionary Journey,  Jorge Laboy, Joyceish, Living Stain, Machong Butiki, Pink Diaries,  P0w4ng, Shynyrd, The Lady in Green Ruffles,  Tintoiks, Topexpress, TSI,  Winkie […]

  14. Uyy nainggit naman ako sa Touch Screen Sudoku mo. San nakakabili nyan? Low tech ako eh, libro lang na Sudoku na niregalo sa akin ng officemate ko ang meron ako. Hehe!

    Kung ikaw may prayer booklet, ako naman may maliit na rosary.😀 Na nabili ko sa chapel malapit sa amin. Actually hindi ko lang sya dala sa mga travels ko, nasa bag ko talaga sya palagi. Hehe!😀

    Thanks nga pala sa pag dalaw sa blog namin.

    -Wayne

    • salamat wayne. yong electronic sudoku nabili ko sa isang tiangge sa america, pero malamang meron na din yan dito kasi “made in china” haha. meron pang isang klase, magnetic naman, meron sa toy kingdom.

      dalaw-dalaw din kayo sa blog ko ha, marami pa akong gusto i-share na experiences sa mga byahe ko. pasyalero din kasi ako. haha. sarap mag-byahe!

      • Hahaha! Naku naman! Wala pa akong pera pampunta ng America. Sana magkaron din nyan sa mga tiangge dito. Hehehehe! Panong magnetic yung nasa Toy Kingdom? Hindi ko maimagine. Hmmm, mahal ba? Gusto ko din nyan!!!!😥

        Sure, dalaw-dalawin ka rin namin. Pasyalero ka din pala eh. Kelangan makagala tayo minsan. Hehehe!😀

  15. ang yaman ng bag…

    ang gusto ko lang
    eh ung touch screen na sudoku..

    ang gara eh..
    gusto ko din ung larong un..
    pampa headache.. hehehe

    nagpapraktis pa lang kasi ako nun..

    napadaan lang po..😀

  16. ang dami naman ng laman ng bag mu.. =)

    napadaan lang din po!

  17. hello batang mangayn napatumbling ulit ako dito hehehe

    talaga naman palang isa kang batang gala
    hindi lang sa pilipinas kundi around the world pa

    nakana ang bangis mo!
    sama ko misnan!

    • hahaha, oo ba, hindi ko naman pag-aari ang buong mundo. hahays. tara, byahe lang ng byahe. tumbling ka lang lagi dito batang hamster. abangan mo bago kong kwento ha. salamat sa pagtumbling🙂

  18. Conggratulations sa swiss knife at nailusot mo lol.^_^ Try visiting me back..click this url:

    http://www.tsiremo.com/2009/07/saranggola/

  19. may bag din ako, nine west… from US. bigay ng batang mangyan.!!!!! nya!!!!!

    hoy batang mangyan na mayaman, kumusta naman ang laman ng delsey?

  20. koinkoink Says:

    sige kaw po ang bahala kung ia-add mo po ako sa link. lol.

  21. ay ka ambik jud, di na mabaligya! hahaha…

  22. I like this content so much.Imagination is more important than knowledge.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: